Pangangalakal ng Mga Index kasama
ang Mirrox

Ano ang pangangalakal ng index?

Ang mga Index ay koleksyon ng mga sapi o seguridad na kumakatawan sa isang partikular na bahagi ng pamilihang pinansyal. Sa pangangalakal ng CFD, ikinakalakal ang mga ito bilang contracts for difference (o CFDs), na pinahintulutan ang mga trader na subaybayan at rumesponde sa pagkilos ng presyo ng sumasailalim na index. Ang dinamikong approach na ito ay naghahatid ng liksi at kakayahang umangkop, na pinahihintulutan ang pangangalakal ng index bilang isang kaakit-akit at sikat na pamamaraan para palaguin ng mga namumuhunan ang kanilang mga portfolio.

Mga benepisyo ng pangangalakal ng mga Index CFD

Mangalakal ng mga CFD index kasama ang Mirrox upang tuklasin ang mga pandaigdig na mga pamilihan, at kilusan ang mga major na index sa buong daigdig. Makinabang mula sa mga masisikip na spread para sa pangangalakal na epektibo sa presyo at leverage upang palaguin ang iyong potensyal na kita. Paigtingin ang iyong estratehiya gamit ang mga masulogn na tool sa pangangalakal at mga mapagkukunan para sa pagsusuri, at mangalakal ng may kumpyansa sa ligtas at maaasahang plataporma ng Mirrox, na sinusuportahan ng mga malalakas na risk management protocol.

Paano mangalakal ng mga Indices gamit ang Mirrox

Ang pangangalakal ng mga index CFD ay isang exciting na pamamaraan upang makilahok sa pandaigdig na pamilihang pinansyal. Una, piliin ang index na nais mo ikalakal, habang isinasaisip ang pagususuri ng pamilihan, gana sa panganib, at iyong mga layunin sa pamumuhunan. Ilagay ang iyong kalakalan sa pamamagitan ng pagbili o pagbenta ng naturang index CFD, at isaayos ang iyong mga parameter sa kalakalan, kabilang ang sukat ng posisyon, stop-loss, at take-profit. Sa wakas, subaybayan ang iyong mga kalakalan sa regular na paraan, habang pinagmamasdan ang mga pagkilos ng pamilihan at sa paggamit ng mga stop-loss order at alerto sa presyo upang pangasiwaan ang panganib at isaayos ang iyong estratehiya sa pangangailangan.

Mga Index na inaalok ng Mirrox

Mga Simbolo Paglalarawan Leverage (Hanggang)
AUD200 (Australia 200 Cash Index) Ang Australian 200 Cash Index, na kilala rin bilang ASX 200, ay isang market-capitalization-weighted na index na sinusukat ang pagkilos ng nangungunang 200 na kompanyang nakalista sa Australian Securities Exchange (ASX). 1:200
DE40 (Germany 40 Cash Index) Ang Germany 40 Cash Index ay kumakatawan sa nangungunang 40 na publicly-traded na mga kompanya sa Alemanya, na nagbibigay na pananaw sa pagkilos ng ekonomiya ng Germany at ng stock market nito. 1:200
ES35 (Spain 35 Cash Index) Ang Spain 35 Cash Index ay sinusubaybayan ang 35 na pinakamalalaki at pinakalikidong sapi sa Espanya, na nag-aalok ng pagkakalantad sa pamilihan at ekonomiya ng Espanya. 1:200
F40 (France 40 Cash Index) Ang France 40 Cash Index ay kinabibilangan ng nangungunang 40 na saping Pranses na nakalista sa Euronext Paris, na sumasalamin sa pagkilos ng pamilihan ng ekwidad sa France. 1:200
JP225 (JPN225) Ang JPN225, na mas kilala bilang Nikkei 225, ay isang stock market index para sa Tokyo Stock Exchange, na kinabibilangan ng 225 na large-cap na kompanya sa Japan. 1:200
N25 (Netherlands 25 Cash Index) Ang Netherlands 25 Cash Index ay sumusubaybay sa pagkilos ng 25 na nangungunang Dutch na kompanyang ikinakalakal sa Euronext Amsterdam na nagbibigay akseso sa Dutch stock market. 1:200
STOXX50 (Euro 50 Cash Index) Ang Euro 50 Cash Index, na kilala din bilang EURO STOXX 50, ay kumakatawan sa 50 sa pinakamalalaking blue-chip na stocks sa Eurozone, na nag-aalok ng malawak na benchmark para sa mga pamilihan ng ekwidad sa Eurozone. 1:200
SWI20 (Switzerland 20 Cash Index) Ang Switzerland 20 Cash Index ay kumakatawan sa nangungunang 20 na Swiss stocks na ikinakalakal sa Swiss Exchange, na sumasalamin sa pagkilos ng pamilihan ng ekwidad sa Switzerland. 1:200
UK100 (UK 100 Cash Index) Ang UK 100 Cash Index, na kilala din bilang FTSE 100, ay sumusubaybay sa pagkilos ng nangungunang 100 kompanyang nakalista sa London Stock Exchange, na ipinapakita ang pamilihan ng ekwidad ng UK. 1:200
USTEC (NAS100) Ang NAS100, o NASDAQ-100, ay kinabibilangan ng 100 sa pinakamalalaking kompanyang walang kaugnayan sa pinansyal na industriya sa Nasdaq Stock Market, na nagbibigay ng akseso sa pamilihang US na nakasentro sa teknolohiya. 1:200
US500 (SPX500) Ang SPX500, na karaniwang kilala bilang S&P 500, ay kinabibilangan ng 500 sa mga pinakamalaking kumpanyang ikinakalakal sa publiko sa U.S., na nag-aalok ng komprehensibong pananaw ng U.S. stock market. 1:200
US30 (Dow Jones 30) Ang Dow Jones 30 ay kumakatawan sa 30 malalaki ang kapital na kumpanya sa U.S., na nagsisilbing sukatan ng pangkalahatang kalusugan ng stock market ng U.S. 1:200

Matuto ng Pangangalakal ng CFD Forex kasama ang Mirrox

Tandaan, ang edukadong trader ay isang pinalakas na trader. Nagbibigay ang aming Education Center ng mga diskarte sa pamamahala ng panganib para protektahan ang iyong kapital, mga taktika sa pangangalakal upang mag-navigate sa mga paggalaw ng index, pagsusuri sa pamilihan upang maunawaan ang mga uso at kaganapan, at maraming mga mapagkukunan para palalimin ang iyong pag-unawa at patalasin ang iyong mga kasanayan.

Sumali na sa Mirrox at
Simulan ang Pangangalakal

Sulitin ang Bawat Kalakalan